MAHIKA NG PAGTATAKA
Ituring mong di ito iba sa mata ng mga batang ulila
Isipin kung anong kulang ng kahapon, ngayon bukas at kasalukuyan
Ang mahika ng pagtataka ngayo’y nasa pinto na
Kinakatok ka ng kaba upang ikaw ay magtaka
Gumawa ka’t maglikha ng di tulad ng iba
Patunayan mong hindi ka isang himala
O kay sarap isipin mga bagay na gusto natin
Mga nais mong marating masaganang buhay ng pating
Makatapos sa eskwela magkatrabaho’t magkapera
Masaganang buhay ng pamilya, habang ang iba’y nagkakandarapa
Ang nag-aalaga ng pagkain mo, magsasakang walang makain kundi damo
Pahingahan mong kutson sa iba ay karton at sako
Mga itinuturing mong basura sa iba ay pera
Mga itinuturing mong kulang pa sa iba ay sobra na
Ang sinasabi mong tama, marahil mali sa iba
Kung hindi ka nakikinig sa sinasabi nila
Kelangan mo ring mamili sa dalawa
Huwag kang pumagitna baka maipit ka
Ang tanong ay ang yumayakap sa kalawakan
Katanungan ang naghahatid ng kasagutan
Kasagutan ang naghahatid ng kaalaman
At ang kaalaman ay ang naghahatid sa mas marami pang katanungan
Magtaka ka.
Magtaka ka.
Magtaka ka
Kapayapaan nga ba ang hangad mo, di ka nga marunong sumunod sa batas trapiko
Sinusunod mo nga ba ang batas dahil hangad mo ay katiwasayan o dahil takot ka sa kaparusahan
Katalinuhan nga ba ang taglay mo, ba’t hindi ka marunong makidama sa paligid mo
Nakikinig ka nga ba sa mga sinasabi ko, ba’t hindi ka makatingin sa mga mata ko
Ang sinasabi mong tama, marahil mali sa iba
Kung hindi ka nakikinig sa sinasabi nila
Kelangan mo ring mamili sa dalawa
Huwag kang pumagitna baka maipit ka
Ang tanong ay ang yumayakap sa kalawakan
Katanungan ang naghahatid ng kasagutan
Kasagutan ang naghahatid ng kaalaman
At ang kaalaman ay ang naghahatid sa mas marami pang katanungan
Ang mahika ng pagtataka ngayo’y nasa pinto na
Kinakatok ka ng kaba upang ikaw ay magtaka
Gumawa ka’t maglikha ng di tulad ng iba
Patunayan mong hindi ka isang himala
Ito nga ba ang problema ng mundo
Kahirapan karahasan o ang hangal na karamihan
Hindi gagawa kung walang nawawala
Hindi magbibigay kung walang namamatay
Hindi kikilos kung hindi ikaw ang binabatikos
Magtaka ka.
Magtaka ka.
Magtaka ka
Dahil mahal ko ang Pilipinas
Diringgin ko ang payo ng aking magulang
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mabuting Pilipino
Sa isip sa salita at gawa.
0 comments:
Post a Comment